Yasay tiniyak na hindi kakalas ang PH sa UN sa kabila ng banta ni Duterte
TINIYAK ni Foreign Secretary Perfecto Yasay Jr. na hindi kakalas ang Pilipinas sa United Nations sa kabila ng naunang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na iuurong niya ang pagiging miyembro ng bansa sa UN matapos namang batikusin ang mga pahayag ng UN rapporteur kaugnay ng extra judicial killing ng mga suspek sa droga.
“We are committed to the UN despite our numerous frustrations and disappointments with this international agency. But we are certainly not leaving the UN,” sabi ni Yasay.
Kasabay nito, ipinagtanggol ni Yasay ang naging pahayag ni Duterte.
“President Duterte’s statement on Sunday was a mere statement expressing profound disappointments and frustrations and it is not any statement that should indicate a threat to leave the United Nations,” ayon pa kay Yasay.
Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala sina UN Special Rapporteur on summary executions Agnes Callamard at UN Special Rapporteur on the right to health Dainius Puras on Friday sa biglang pagtaas ng mga taong pinapatay, kung saan umabot na ng 650, sa nakalipas na anim na linggo pa lamang matapos ang pagdedeklara ni Duterte ng gera kontra droga.
“The President has already made assurance that he will respect human rights and firmly stand against the illegal or criminal killing of people on drug-related offenses,” ayon pa kay Yasay.
Sinabi pa ni Yasay na welcome ang mga UN rapporteur para imbestigahan ang mga umano’y extrajudicial killing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.