P1-M, house & lot, kotse nakuha ng teenager sa Wowowin

By Jun Nardo August 12,2016
share this

P1-M, house & lot, kotse nakuha ng teenager sa Wowowin

By Jun Nardo August 12,2016
share this

wowowin

NADAGIT na rin ang Mega Jackpot nu’ng Lunes nang gabi sa top-rating program na Wowowin.

Ang half-British teenager na si Shayne Pauli Anne Jones ang big winner ng isang milyong piso, house and lot at kotse. May dugo mang banyaga si Shayne, may kurot din sa puso ang kuwento niya lalo na’t nakatira sila ng pamilya niya sa isang relocation site.

Hiling kasi ng ina ng dalaga na makalayas sila sa relocation site ngayon. Patuloy kasi siyang nangangamba sa seguridad nila. Tuwing gabi raw ay may pumapasok sa kanilang bahay at minsan naman, may naghahabulan ng baril at saksakan sa kanilang lugar.

Isang buhay na naman ang naiangat napaligaya ng Wowowin na napapanood bago mag-24 Oras sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending