Maraming empleyado ng ABS-CBN ang biglang mawawalan ng trabaho sa pag-resign ni KRIS
Natuloy nang umalis si Kris Aquino at dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby kahapon ng hapon patungong Paris, France kasama ang ilan pa nilang staff.
Ibinasura ni Judge Liza Marie Picardal-Tecson ng Makati Regional Court Branch 144 ang petisyon ni James Yap na pigilan ang pag-alis ng dating asawa kasama ang dalawa nitong anak para sa dalawang linggong bakasyon sa Europe.
Kaya sa ginaganap na court battle nina Kris at James ay obvious na naka-isang panalo na ang una dahil nabalewala ang hold departure order na inihain sa kanila ng tatay ni Bimby.
Samantala, tsika sa amin ng isang taga-advertising agency hindi apektado ang mga TV commercial ni Kris kung sakaling itutuloy na niyang lisanin ang showbiz career niya agad-agad dahil tuluy-tuloy pa rin daw ang mga ito sa ere.Ayon pa, nagpahayag ang lahat ng may-ari ng mga produktong ineendorso ng Queen of All Media na hangga’t gusto niyang suportahan ang mga ito ay hindi siya aalisin bilang endorser kasama ang anak nitong si Bimby.
Kakaiba talaga si Kris, bossing Ervin dahil ‘yung ibang artista kaya kinukuhang endorser dahil sikat at may regular shows para ma-promote ang produkto, pero si Tetay, maski wala na siyang programa ay hindi siya aalisin bilang product endorser.
Anyway, may dalawang linggong makakapag-isip at makakapag-muni-muni si Kris sa ibang bansa, at baka naman pagbalik niya ay maiba na ang desisyon niya tungkol sa pagre-retire sa showbiz.
Baka maisip niyang maraming taong mawawalan ng trabaho dahil sa biglaan niyang pag-alis sa showbiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.