Makakatapos ba ng kolehiyo? (2)
Sulat mula kay Lailanie ng Happy Homes Centro, Daet, Camarines Norte
Problema:
1. Second year na ako sa course na Engineering. Ang probelma ay nahihirapan ako sa mga subject ko at, isa pa, mahirap lang kami kaya lagi akong kinakapos sa allowance.
2. Noong nakaraang semester ay may bagsak akong major subject. Naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung sa ganitong sitwasyon ko ay matatapos ba ako ng pag-aaral at kapag nakatapos na ako magkakaron kaya ako ng magandang trabaho? December 12, 1997 ang birthday ko.
Umaasa,
Lailanie ng Camarines Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing mas bagay nga sa iyo ang kursong education kaysa sa kursong engineering. Kaya kung magsi-shift ka or magpapalit ng kurso, tiyak ang magaganap—mas madali kang makakatapos ng pag-aaral.
Numerology:
Ang birth date mo namang 12 ay nagsasabing bagay na bagay nga sa iyo ang propesyong may kaugnayan sa pagtuturo. Ibig sabihin, hindi ka lang magiging matagumpay sa career na may kaugnayan sa edukasyon, kundi sa nasabing larangan mas magiging maunlad ka pa at mas magiging maligaya habang nagtatrabaho.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang tagumpay sa anumang larangan, lagi kang magsuot ng kulay na pula at asul o kaya’y pink at lilac. Sa nasabing kulay ay kusang darating ang suwerte at malaking tagumpay.
Huling payo at paalala:
Lailanie, ayon sa iyong kapalaran, simple lang ang dapat mong gawin upang masiguradong makakatapos ka ng pag-aaal. Ang solusyon, lumipat ka ng kurso na may kaugnayan sa pagtuturo o education. Sa nasabing larangan, tiyak ang magaganap sa taong 2021, sa edad mong 24 pataas, magiging ganap at lisensyadong teacher ka at habang nagtuturo sa nasabing larangan ay tuloy-tuloy kang magiging maligaya at magtatagumpay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.