Louise umaming nagkaroon ng 'quickie affair' kay Aljur | Bandera

Louise umaming nagkaroon ng ‘quickie affair’ kay Aljur

Ambet Nabus - August 09, 2016 - 12:05 AM

aljur abrenica at louise delos reyes

ALTHOUGH hindi naman nag-aambisyon na maging sikat agad ang tambalan nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino ng Magkaibang Mundo fame ng GMA 7, masaya na raw sila na meron silang sariling hukbo ng fans.

“Ganu’n po talaga siguro ang kalakaran. For as long as na napapasaya mo sila at hindi mo sila napi-fail sa expectations nila kahit paano, they are there to stay,” sey ni Louise nang makahuntahan namin recently.

Mag-isa pa ring nabubuhay si Louise kasama ang yaya at personal assistant niya, pero sobrang attached pa rin siya sa kanyang parents na araw-araw din niyang tinatawagan. “So far so good naman po. Bukod sa mas independent ka, mas nagiging responsible ka sa lahat ng bagay,” hirit pa ng dalaga na umaming walang boyfriend ngayon.

Tahimik at marespeto namang nakiusap si Juancho na ibalato na sa kanya ang usaping lovelife dahil very private person daw ang nililigawan niya. Basta ibinuking ng leading lady niyang si Louise na minsan na niyang tinulungan ang matangkad at guwapong leading man nang magtanong daw ito ng pangregalo para sa girl na pinopormahan niya.

And yes, inamin na nga rin pala ni Louise na nagkaroon sila ng something ng leading man niyang si Aljur Abrenica sa indie movie na historical movie na “Hermano Puli” na siyang magiging closing film naman ng Cinemalaya 2016.

“Sandali lang po yun at matagal na. Parte siguro ng sobra naming pagiging malapit at laging magkasama dati,” sey pa ng magandang aktres, na nakatrabaho nga noon ni Aljur sa fantaseryeng Kambal Sirena ng GMA 7 din.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending