‘Hindi ibibigay ng diyos ang lahat kay KRIS!’ | Bandera

‘Hindi ibibigay ng diyos ang lahat kay KRIS!’

- March 23, 2013 - 04:40 PM

krisSobra-sobra ang kayamanan, pero magulo naman ang buhay

KAHIT anuman ang sabihin ng taumbayan, national issue na talaga ang usaping Kris Aquino-James Yap.

Kasi nga, sa sobrang taas ng status ni Kris at star-basketeer naman si James at para patulan ng TV Patrol ang kanilang mga istorya (grabe ang exposure ni Tetay, mind you!), aba’t talo pa nila ang mga political issues natin.

Halos i-devote na ng TV Patrol ang oras nila para kay Kris with matching sisters in the tow para suportahan siya.

Nakakatuwa naman ang mga sisters ni Kris na sina Balsy, Pinky and Viel for standing by their youngest sister sa ganitong pagkakataon.

Iyan naman ang kahanga-hanga sa mga kapatid ni Kris, nandiyan sila palagi for her.

Sobrang mahal talaga nila ang kanilang dahlin’ sister.Anyway, sari-saring mga opinyon ang narinig natin mula sa taumbayan – some are pro-James and some are for Kris.

May kani-kanya silang versions of the story, pero so far, sa labas ng industriya, mas marami ang naniniwala kay James.

May ibang nakikisimpatya kay Kris bilang babae pero mas naniniwala raw sila sa kuwento ni James more than hers.

“Para umiyak ang isang barako like James, ibig sabihin talagang sincere siya at totoo ang sinasabi niya.

Kaya lang, kahit anong gawin ni James, wala siyang laban kay Kris.

Unang-una, babae ito kaya automatic na makukuha niya ang public sympathy lalung-lalo na sa milyong-milyong mga tagahanga niya.

“Pangalawa, my gosh, kahit anong sabihin mo, presidential sister iyan, ‘no!

Kahit sabihin pa nilang hindi nakikialam sa kanila si P-Noy  ay puwede ba naman niyang pabayaan ang bunsong kapatid niya?

Kahit sinuman ang nasa posisyon ni P-Noy, susuporta siyempre siya sa kapatid niya, at all cost! Hindi man hayagan pero puwede niyang ipatrabaho sa iba.

Kaya delikado pa rin si James Yap kung tutuusin,” anang isang matalinong observer natin.

Ang inaabangan ng taumbayan ngayon ay ang declarations ni Kris Aquino that she is resigning from showbiz.

She is tendering her resignation para mas mapangalagaan ang kanyang mga anak, lalo na si Bimby na siyang center of the issue sa kanila ni James.

She apologized to her bosses sa ABS and the people she is currently working with sa desisyon niya.

Ewan ko lang kung papayagan siya ng ABS dahil may existing contract pa siya with them.

“Naniniwala ka bang gagawin ni Kris ito?

Sinabi na rin niya iyan before, di ba?

Ang sabi niya noon, hindi na raw siya maghu-host sa TV until makababa ang kuya niya sa 2016.

Ginawa ba niya? Hindi, di ba?

Sinabi lang niya siguro iyan para makakuha ng public sympathy, iba rin kasi pag narinig mo ang isang babae like her who’d do so much of a sacrifice para sa kanyang anak.

Sarap pakinggan, di ba?

“Pero I doubt kung paninindigan niya iyan.

Puwede naman niyang lusutan iyan, eh.

Sabihin lang niyang hindi siya pinayagan ng Dos, tapos na ang boksing.

Palabasing gusto man niya pero dahil nakatali siya sa isang kontrata, wala siyang choice kundi ang ituloy ang career niya.

Magaling si Kris sa ganyan.

Kaya mas lamang na hindi titigil sa showbiz iyan.

Maaaring magpapahinga lang siya ng two to three months then balik na naman siya.

Para naman kayong bago nang bago kay Kris Aquino,” sabi ng isang writer/friend natin.

May kasabihan tayong hindi talaga ibinibigay ni Lord ang lahat.

Kahit alam ng mga taong mahilig mag-rosaryo si Kris, hindi talaga niya nakakamit ang peace of mind.

Maaaring lahat ng material blessings ay naipagkaloob sa kanya pero ang pinakamahalaga sa lahat, ang tunay na kaligayahan.

In short, our Good Lord is really Just.

You cannot have everything unless deserved mo talaga.

Baka paraan ito ni Lord na baguhin ang mundo ni Tetay, baka masyado na siyang naging alipin ng yaman at kasikatan.

Kaya tinapik na siya ng Panginoon para maging normal na tao – like many of us.

After all, Kris deserves a peaceful life – saan ba matatagpuan ang peaceful life?

Natural, outside of showbiz for sure. Kasi nga, masalimuot ang mundo natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hay buhay…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending