KRIS nagkulong sa kwarto pagkatapos mag-iiyak, walang gustong kausapin
Babayaran ang multi-million contract sa ABS bago mag-resign
MULI naming naramdaman ang pananahimik ng sambayanang Pilipino para tutukan ang panayam ng TV Patrol kay Kris Aquino sa nu’ng Huwebes.
Isa-isang sinagot ng TV host-actress ang issue sa pagitan nila ng dating asawang si James Yap, partikular na ang isinampa niyang Permanent Protection Order para sa kanya at sa kanyang anak na si Bimby.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Kris na magre-resign na siya sa tatlong regular shows niya sa ABS-CBN – Kailangan Ko’y Ikaw, Pilipinas Got Talent at Kris TV.
Maging ang staff ng mga nasabing programa ay natulala sa naging anunsyo ng Queen of All Media, ang alam daw kasi nila ay sasagutin lang nito ang mga akusasyon ni James.
Ang dahilan ni Kris, “I asked myself on my way here, because ilang beses kong nakausap si Bim, ilang beses siyang tinanong dahil alam kong malalaman niya ang pagsasalitang ito. Tinanong ko siya, ‘Bim, is it okay if Mama will talk?’”
“That’s what broke my heart.
Kasi ang sinabi ng anak ko, ‘Mama, just say it’s for Bim.’ Sinabi ng anak ko na siya na lang daw (ikatwiran ni Kris).
Ganu’n kalaki ang pagmamahal niya para sa akin.
So I asked myself, ‘Paglaki niya, kaya ko ba siyang harapin at sabihin na lahat kinaya kong isakripisyo para sa kanya?’
“I’m stating this now, categorically, I have to make a sacrifice.
We don’t deserve this. I sadly don’t deserve this suffering. I don’t want to be selfish for the rest of my life.
“Humihingi ako ng paumanhin, lalung-lalo na du’n sa lahat ng mga katrabaho ko na nandito ngayon.
Pero sana maunawaan ninyo ako.
I have to do this for my son—and that means sacrificing this career, sacrificing job,” sabi pa ng TV host.
Kasama ni Kris ang staff ng Kris TV nu’ng gabing ‘yun at aminadong lahat sila natulala sa pahayag ng TV host, “Actually, Reggs, nagulat kami, wala kaming ideya na sasabihin ‘yun ni Kris, as in wala talaga,” say ng taga-Kris TV.
Pagkatapos ng panayam ni Kris kay Ted Failon sa Cocoon Hotel sa Scout Tuazon, Q.C. ay agad itong umalis kasama pa rin ang kanyang mga kapatid na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada at Viel Aquino-Dee.
“Wala, hindi na nakausap ng staff si Kris, kasi tuluy-tuloy na siyang sumakay sa sasakyan at umalis na, naiwan nga kaming tulala, eh!” sabi pa sa amin.
May limang araw na nabangko ang Kris TV na ieere ito mula Abril 1 hanggang 5 at wala na silang ideya kung ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw, “Hindi namin alam, magmi-meeting palang siguro kami ngayon (kahapon) kung anong mangyayari, kasi biglaan talaga,” sabi ng aming kausap.
Base sa pagkakaalam ng aming source hanggang Enero, 2014 pa ang kontrata ni Kris sa ABS at sa pagre-resign niya sa showbiz para sa ikatatahimik ng kanilang pamilya lalo na ni Bimby ay posibleng bayaran na lang nito ang natitirang taon ng kanyang kontrata.
Ang Kailangan Ko’y Ikaw naman ay magtatapos na sa Abril 19,
Biyernes at base sa pagtatanong namin ay may natitira pang apat na taping days ang serye, “Nagulat kami, nasisiraan na nga ng bait ang mga tao sa KKI, hindi nila alam kung anong mangyayari.
Pero kung talagang ayaw na niyang tapusin ang KKI, e, malamang mamamatay na talaga siya sa kuwento.
-“Kasi nag-taping pa siya recently at ipinakita na nga na buhay siya, di ba, ginagamot siya ni Techie (Agbayani).
Ewan ko, kung sakali nga talaga, mapipilitan kaming patayin na siya,” kuwento pa sa amin.
Sinubukan naming tawagan si Ms. Joyce Liquicia, business unit head ng PGT kung ano ang mangyayari sakaling hindi na siputin ni Kris ang nasabing show, “Thank God, naka-tape ako ‘til April 6, so after that hindi ko pa alam.
But let’s see kapag nahimasmasan na si Kris kasi emotional pa ‘yan ngayon, magulo pa ang pag-iisip, so hintayin nating makapag-isip-isip.
“Pagbakasyunin muna natin tutal paalis siya, so baka doon makakapag-isip siya and after all her difficulties, malalaman natin.
Sana magbago pa ang isip, kung hindi na, wala naman kaming choice,” paliwanag ng TV executive.
Ang huli naming tinawagan ay ang assistant ni Kris na si Alvin Cagui kung ano na ang update kay Kris, “Wala pa po, kasi after ng interview ni Madam sa TV Patrol, umalis na po kami at nagkulong na siya sa kuwarto.
“Tinanong ko po kung matutuloy kaming umalis for Paris on Saturday (ngayong araw), sabi naman tuloy, kung sakaling hindi matuloy, e, di hindi, parang tinanggalan naman daw ng kaligayahan ang mga bata na ipinangako ni Madam,” paliwanag pa ni Alvin.
Sinubukan naming i-text ang mga manager ni Kris na sina Deo Endrinal at Boy Abunda pero pareho kaming hindi sinasagot.
Samantala, ang pinag-ugatan ng muling pagharap ni Kris sa national television noong Huwebes ay dahil hindi niya nagustuhan ang mga pahayag ng dating asawang si James na pinalalabas na isa siyang sinungaling. Sabi nga ni Kris kay Ted Failon, “I felt violated as a woman.”
Ito ang isa sa dahilan kung bakit nagsampa na rin ng permanent protection order si Kris laban sa ama ng anak niya.
Sinagot naman ni James na hindi totoo ang paratang sa kanya ni Kris, hindi raw niya ito tinangkang gahasain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.