Duterte sinabing libing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Setyembre na
KINUMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte na ililibing na si dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa susunod na buwan.
Sa isang press conference sa Davao City, idinagdag ni Marcos na tutuparin niya ang kanyang naging pangako noong kampanya kaugnay ng pagpapalibing sa dating pangako.
Ayon pa kay Duterte, desisyon na ng pamilya Marcos kung itapat ang pagpapalibing sa dating pangulo sa anibersaryo ng kanyang kapanganakan sa Setyembre 11.
Hindi rin nababahala si Duterte sa bantang kilos protesta ng mga grupong tumututol sa pagpapalibing kay Marcos.
Sinabi ni Duterte na papayagan niyang magprotesta kahit isang buwan ang mga tutol sa kanyang desisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.