Mayor, huwes, pulis at militar na sangkot sa droga ibinandera ni Duterte
PINANGALANAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayor, kongresista, judges, militar, pulis na umano’y sangkot sa droga.
Nasa una sa listahan ni Duterte ang pangalan ni dating Cebu City mayor Mike Rama, habang wala namang naidawit na pangalan ng mayor mula sa Metro Manila.
Ginawa ni Duterte ang pagbubunyag sa isang talumpati sa Davao City Linggo ng madaling araw.
Kabilang sa mga mayor sa Luzon na idinawit ni Duterte ay sina:
Mayor Renaldo Flores, Naguilian, La Union; Dante Garcia of Tubao, La Union; Martin De Guzman, Bauang, La Union; Marjorie Salazar, Lasam, Cagayan; Cipriano “Goto” Dungao Violago, Bulacan; Marino “Boking” Morales, Mabalacat, Pampanga; Felix Castillo, Daguioman, Abra; dating mayor Eufranio Eriguel, ng Agoo, La Union; Jose “Pepe” Miranda, ng Santiago City, Isabela; Vicente Amante, ng San Pablo City, Laguna; Ryan Dolor, ng Bauan, Batangas at Vice Mayor Edgardo Trinidad, El Nido, Palawan
Samantala, sa Visayas, bukod kay Rama sabit din sina Alex Centena, ng Calinog, Iloilo; Julius Ronald Pacificador, ng Hamtic, Antique; Jed Mabilog, ng Iloilo City; Mariano M. Malones, ng Maasin, Iloilo; Hector Ong, ng Laoang, Northern Samar; Rolaldo Espinosa, Leyte; Beda L. Cañamaque, ng Basay, Negros Oriental; at dating dating mayor Madeleine Mendoza-Ong, ng Laoang, Northern Samar.
Sa Mindanao, kabilang naman sa mga mayor na kasama sa idinawit ni Duterte ay sina: David Navarro, ng Pagadian, Zamboanga Del Sur; Bobby Alingan, ng Kolambugan, Lanao del Norte; Reynaldo Parojinog, ng Ozamiz City; Nova Princess Parojinog Echavez, dating misis ni Colangco Omar Solitario Ali, ng Marawi City; Abdul Wahab Allan Sabal, ng Talitay, Maguindanao.
Kasama rin sa binanggit si Congressman Guillermo Romarate, ng 2nd District ng Surigao del Norte.
Hindi rin pinatawad at binaggit din ni Duterte ang mga huwes na dawit sa droga na sina udge Mopas, ng Dasmariñas, Cavite; Judge Reyes, ng Baguio City, Judge Savilo, ng RTC Branch 13, Iloilo City; Judge Casipli, ng Kalibo, Aklan; Judge Rene Gonzales, ng of MTC; Judge Navidad, ng RTC Calbayog City; Judge Ezekiel Dagala, ng MTC Dapa, Siargao.
May binanggit din si Duterte na kailangang pang kumpirmahin kabilang na sina: isang opisyal mula sa Marawi City; isang opisyal mula sa Datu Salibo, Maguindanao; dalawang opisyal mula sa Datu Montawal, Maguindanao; isang opisyal mula sa Talitay, Maguindanao; tatlong opisyal mula sa Datu Saudi-Ampatuan, Maguindanao; isang opisyal mula sa Lumbatan, Lanao del Sur; dalawang opisyal mula sa Saguiaran, Lanao del Sur; isang opisyal mula sa Buadiposo-Buntong, Lanao del Sur, isang opisyal mula sa Marawi City; isang opisyal mula sa Alegria, Surigao del Norte; isang opisyal mula sa Iligan City, Lanao del Norte; isang opisyal mula sa Labangan, Zamboanga del Sur; isang opisyal mula sa Sirawai, Zamboanga del Norte; dating mayor Benahar Tulawie, ng Talipao, at Suluj dating board member Ricardo Parojinog, ng Ozamiz.
May mga idinawit din si Duterte na mga pulis at militar.
Aniya, isusunod niyang ilalabas ang mga prosecutor na sangkot sa droga.
“Others are doing re-validation again. Alam mo kasi hindi ma… I could be wrong. I could be wrong pero ‘pag ito kasi it has undergone a process. So any mistake of the military and the police dito, ako ‘yun nagkasala,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.
Inatasan niya ang lahat ng mga kasamang militar at pulis na magreport sa kani-kanilang mga nakakataas sa loob ng 24 oras.
“You are hereby relieved of your — whatever your position there. Umalis kayo diyan mag-report kayo. I said, I’ll be harsh. Lahat ng mga mayors dito na-mention, I’m ordering the PNP chief, tanggalin ‘yung police supervision and cancel any and all private arms na naka-lisensiya sa kanila. There are all cancelled,” sabi pa ni Duterte.
Inatasan naman niya ang mga judge na magreport sa Korte Suprema.
“You do not do that, I will order the Armed Forces of the Philippines and the entire PNP to hunt for you,” sabi ni Duterte.
Inako rin ni Duterte ang buong responsibilidad sa pagbubunyag ng mga umano’y sangkot sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.