CHIZ: Kahit gaano pa sila kayaman, hindi ‘yun lisensiya para yurakan nila ang pagkatao ko!
“Kahit gaano karami siguro ang pera nila, hindi naman siguro lisensya yun para maliitin ang sinuman, o yurakan yung katauhan ko!” Ito ang naging tugon ni Sen. Chiz Escudero sa mga panlalait at pang-aalipusyta diumano sa kanya ng mga magulang ni Heart Evangelista.
Ayon pa sa senador, “May sasabihin lang ako kung puwede.
Hiwalay ang personal kong buhay sa trabaho ko pero pilit pinapasok ang personal kong buhay sa trabaho ko.
Hangga’t maaari ayaw ko sanang magsalita tungkol dito pero nadadamay na ang mga anak ko, medyo may isip na sila, ayaw kong dumating sa puntong kakantyawan sila ng mga kaklase nila tungkol dito.
“Pilit kong iniintindi at inuunawa ang mga magulang ni Heart pero hindi na tama ang ginagawa nila sa akin.
Hindi na rin tama ang ginagawa nila sa amin, hindi na rin tama ang ginagawa nila sa anak nila.
Tatay din ako, mahal ko rin ang mga anak ko, pero hindi ako mandadamay, mananakit at maninira ng kapwa sa ngalan ng pagmamahal ko sa anak ko. At kung mayroon man akong diperensya kung saka-sakali sa mga anak ko, hindi ko isasapubliko, hindi ako magpe-presscon, hindi ako mandadamay ng ibang tao.
“Dalangin ko sana malagpasan itong pagsubok na aming dinadaanan, ng aming samahan.
Siguro panahon na lang ang makakapagsabi.
Yung na lang siguro, maraming salamat,” ayon pa sa opisyal na pahayag ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.