Mahirap kumonti sa huling bahagi ng Aquino gov't | Bandera

Mahirap kumonti sa huling bahagi ng Aquino gov’t

Leifbilly Begas - August 04, 2016 - 04:13 PM

PNoy

Naitala ang pinakamababang bilang ng nagsabi na sila ay mahirap mula noong 2011 sa huling bahagi ng Aquino administration, ayon sa survey ng Social Weather Station.     Ayon sa survey na isinagawa mula Hunyo 24-27, sinabi ng 45 porsyento na sila ay mahirap na pinakamababa mula noong 2011.      Noong Abril ay naitala sa 46 porsyento ang nagsabi na sila ay mahirap.      Pinakamarami ang nagsabi na sila ay mahirap sa Mindanao (54 porsyento), na sinundan ng Visayas (52 porsyento), Luzon (41 porsyento) at Metro Manila (32 porsyento).      Nagsabi naman ang 31 porsyento na pangmahirap ang kanilang kinakain, kapantay ng naitala noong Abril.      Upang hindi na masabi na sila ay mahirap, sinabi ng mga taga-Visayas at Mindanao na dapat gumastos sila ng P10,000 kada buwan, P15,000 naman ang sabi ng taga-Luzon at P20,000 naman sa mga taga-Metro Manila.      Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Ang survey ay mayroong error of margin na plus/minus 3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending