MAGANDANG araw po sa Aksyon Line.
Kamakailan lamang sumailalim sa endoscopy at colonoscopy ang mother ko. Nagdesisyon kami na ipa-check up siya dahil sa palaging sumasakit ang kanyang tiyan. Sa kasagsagan ng kanyang endoscopy procedure ay nakita ng doctor na may bukol siya kaya in-advise siya na magpa-CT scan. Dito na nalaman na may stage 2 colon cancer na siya.
Kailangan po ba na mag-undergo ng chemotheraphy? Ano ang dapat namin na gawin ngayon na pinayuhan siya na sumailalim sa operasyon. Mag-70 years old na po ang mother ko, hindi po ba masama sa kanyang kalusugan na sumailalim sa operasyon? Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan.
Rebecca Ortiz
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Ortiz, anything na may bukol ay dapat tanggalin.
Kung hindi ito matatangal ay maaaring maging dahilan ng pagbabara ng bituka o mag-undergo ng colostomy.
Ang sinasabi mo na stage 2 colon cancer ay saka pa lamang talaga malamaman kung anong stage kapag natanggal na ang bukol at na biopsy.
Para sa iyong katanungan kung kinakailangang mag-undergo ng chemotheraphy ang iyong mother, sakali ngang mapatunayan na stage 2 cancer, hindi naman lahat ng stage 2 cancer ay kailangang mag-undergo sa chemo.
Maaari lamang sumailalim sa chemotheraphy kung may positive inputs para hindi kumalat ang cancer cells.
Para sa edad naman ng iyong mother na 70 years old, wala namang problema kung sasailalim siya sa operasyon para matanggal ang bukol.
Ngunit para sa edad ng mother mo sakaling sumailalim sa chemo ay medyo mahihirapan na siya.
Matindi ang epekto ng chemotherapy sa mga pasyenteng may edad na 70 pataas.
Sana ay nasagot ko ang iyong katanungan.
Salamat
Dr. Roel Tolentino
General Surgery-Surgical Oncology
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.