Hotline ‘911’ aktibo na; mga prank callers aarestuhin
PORMAL nang inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang hotline 911 kung saan bumaha rin ng mga prank callers.
Kasabay nito, nagbabala si PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na aarestuhin ang mga prank callers.
Idinagdag ni Dela Rosa na ganap na alas-12:01 ng umaga, nakapagtala ang PNP monitoring center ng 2,475 na tawag, 304 dito ay mga prank calls.
Sinabi pa Dela Rosa na umabot naman ng 1,119 ang naitalang dropped calls at 75 naman ang lehitimong tawag.
Aniya, aabot sa 45 na ahente ang sumasagot sa mga tawag sa 911.
“Exactly one month since my assumption as chief PNP, we now have 911 as the nationwide emergency response number,” dagdag ni Dela Rosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.