Pulis itinanggi ang pagkakaroon ng ‘Cebu City Death Squad’ | Bandera

Pulis itinanggi ang pagkakaroon ng ‘Cebu City Death Squad’

- August 01, 2016 - 03:55 PM

dds

ITINANGGI ng mga pulis sa Cebu City ang pagkakaroon ng Cebu City Death Squad sa lungsod.

Sinabi ni Cebu City police director Senior Supt. Joel Doria na malabong Cebu City Death Squad ang kahalugan ng “CCDS” na nakasulat sa karton na iniwan sa katawan ng isang karpintero.

Iginiit ni Doria na posibleng personal na galit ang dahilan kung bakit pinatay si Rogil Nudalo at pinalabas lamang na isang grupo ng vigilante ang may kagagawan nito.

“Maybe the assailants were just riding on the issue,” sabi ni Doria.
Tumutugtog si Nudalo, 38, ng gitara kasam ang dalawang iba pa hatinggabi noong Sabado nang siya ay lapitan ng nag-iisang salarin at binaril siya sa dibdib ng tatlong beses sa Barangay Talamban, Cebu City.
Bago umalis sa pinangyarihan ng krimen, nag-iwan pa ng sulat-kamay na mensahe na, “Pusher, Carnapper, Akyat Bahay (from) CCDS.”
Sinabi ng mga testigo na sumakay ang suspek sa isang motorsiklo na minamaneho ng isa pang kasabwat.
Ayon naman kay Cebu City Mayor Tomas Osmeña, hindi niya poproblemahin ang ganitong ulat.

“I’m giving the police a free hand because they changed all the key commanders I recommended,” sabi ni Osmena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending