4 na bagong Regal baby palaban sa paseksihan
APAT ang bagong Regal babies ni Mother Lily Monteverde na ipinakilala niya kamakailan sa ilang miyembro ng entertainment media.
Ang tinutukoy namin ay sina Chanel Morales, Danielle Lee, David Licauco at Jerico Ejercito na pawang mga talents naman ng ALV Talent Circuit na pawang palaban sa pagpapaseksi. Nakita kasi namin ang ilang pictures ng apat na bagets at lahat sila ay may mga sexy pictorial sa kani-kanilang social media accounts. Kaya feeling namin, kahit bigyan sila ng sexy roles ng Regal Films ay hindi sila aangal.
Hindi na bago sa mundo ng showbiz si Chanel dahil marami-rami na rin siyang nagawang programa sa TV5 being a runner up sa talent search ng network na Artista Academy. Nagbida na siya sa ilang episode ng Wattpad Presents at lumabas na rin sa ilang serye ng Kapatid network.
“Wala na po akong contract with TV5. My last acting job with the network was in Parang Normal Activity. My parents told me to just quit showbiz and go back to school. I already enrolled at the Center for Aesthetic Studies then Sir Arnold came and offered to manage me as one of his talents. So heto, I’m now under contract with Regal,” paliwanag ni Chanel.
Promise ng dalaga, “I will do my best para hindi mapahiya kina Mother Lily and Ma’m Roselle (Monteverde-Teo). Ito po talaga ang dream ko at dream ng parents ko for me, so gagawin ko po lahat para sa mga pangarap ko.”
Pwedeng-pwede namang maging beauty queen si Danielle Lee, kapatid ng TV host-model na si Divine Lee at na ring nakilala sa TV5. Graduate na siya ng college sa Entrepreneurial School of Asia. Isa sana siya sa magbibida sa Pinoy version ng Pretty Little Liars noon sa TV5, “Nakapag-tape na kami ng five episodes then all of a sudden, we’re told shelved na yung project so all felt sad.”
Sumailalim na rin siya sa ilang acting workshop bilang paghahanda sa mga gagawin niyang pelikula sa Regal. Payag din si Danielle or Danes sa kanyang pamilya at mga kaibigan na magpaseksi sa kanyang mga proyekto, “Why not? But it will depend on the material and my role. If it’s worth it, I think makakaya ko naman. Pero kung hindi, wag na lang.”
Isa namang Filipino-Chinese si David Licauco at isang athlete. Nagsimula siya bilang ramp and commercial model at nangangarap ding maging sikat na aktor. Si David ang naging first runner-up sa Mr. Chinatown 2014 at na-discover sa Laboracay 2013 summer event, when he was still playing with the College of St. Benilde basketball team.
Ayon kay David, isa siyang avid fan nina Leonardo diCaprio at Daniel Padilla. Very soon ay mapapanood na ang binata sa ilang programa ng GMA 7. Umaasa rin siya na mas makilala sa mga gagawin niyang pelikula under Regal.
And last but definitely not the least ay ang anak ni Gov. ER Ejercito na si Jerico Estregan na nalilinya naman sa aksiyon at pwedeng maging next action hero ng showbiz. Napanood na siya sa mga pelikula ng kanyang ama tulad ng “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” and “El Presidente.” “I’m proud of what my relatives have achieved and am looking forward to making my own mark,” sey ng binata na isang Political Science graduate sa De La Salle University.
Kasalukuyan din niyang tinatapos ngayon ang kanyang launching movie, ang remake ng “Ben Tumbling”. Pero aniya, wala siyang planong maging politiko tulad ng kanyang ama, “Honestly, I prefer showbiz or maybe put up my own business rather than run for public office.”
Samantala, tuwang-tuwa naman sina Mother Lily at Ms. Roselle sa pagdating ng bago nilang Regal babies. Sey ni Mother, “Through the years, the Regal Babies have consistently turned out to be box-office superstars and this year is no exception. I see a bright future ahead for Chanel, David, Danielle and Jericho.”
Chika naman ni Ms. Roselle, “We have always admired Arnold’s sharp eye for talent, and the impressive list of stars under his wing attests to his credibility as a starbuilder. As we share the same vision, we are looking forward to conceptualizing new and trendsetting projects aimed for today’s young generation of moviegoers.”
Well, let’s see kung anu-anong projects ang ibibigay sa bagong Regal babies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.