Pinas gagastos ng P540-M para sa Miss U 2016; Chavit Singson kinukumpleto na ang budget
AABOT sa 12 million US dollars o humigit kumulang P540 million ang gagastusin para sa Miss Universe 2016 na gaganapin dito sa Pilipinas. Pero sa kabuuang halaga na ito, wala raw ilalabas na pera ang gobyerno.
Ayon kay dating governor , nagsisimula na silang maghanap ng mga personalidad at private companies na maaaring makatulong para makumpleto ang budget para sa Miss Universe na gaganapin sa January, 2017.
“Yun ang pinagtutulung-tulungan namin para maging matagumpay ang pagdaraos ng Miss Universe dito sa atin. Basta walang manggagaling sa gobyerno. So tatlo kami, si Sec. Wanda Tulfo Teo (Tourism), yung mga organizer and the private sector na ako nga ang nagko-coordinate. So now, we’re trying to raise funds.
“Yung mga NGOs, LGUs, yung company ko and other private groups kasama ko sina Tony “Boy” (Cojuangco) among others,” kuwento pa ni Gov. Chavit nang makapanayam ng mga entertainment editors na inimbitahan niya sa Balwarte ng mga Singson sa Vigan, Ilocos Sur.
Inikot ng dating go-bernador at ng kanyang staff ang entertainment editors sa ilang tourist spots sa Vigan kabilang na ang ipinagawa niyang zoo sa Balwarte at sa bonggang Safari Gallery kung saan naka-display ang mga preserved wild animals na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Natanong si Singson kung bakit pumayag siyang tumulong sa pagsasagawa ng Miss Universe pageant sa bansa? “Happy life, eh. Kasi ki-nausap ako ng nakabili (sa rights ng Miss U), kasi di ba hindi na yan kay Do-nald Trump, bagong grupo na sila. Tapos nakipag-u-sap sila sa akin. Umoo ako kasi maganda naman yun para sa Pilipinas.
“Makakatulong yun sa atin, for everybody, it’s the world’s biggest beauty contest, so ika ko subukan ko and matutuloy na, formalities na lang ang kulang, maybe next week (ngayong August) plantsado na lahay,” sey ng dating governor.
Aminado naman si Gov. Singson na posibleng malugi pa sila sa event na ito, napakalaki raw kasi talaga ng $12 million, “Wala, baka lugi pa nga kami riyan eh, dahil malaki yan e, dollars pa. Pero marami naman kaming katulong tulad ng malalaking hotels. Yung mga casino, apat na ang nakausap ko.
“Pumayag na lahat sila, including na riyan yung accommodation ng candidates. Of course inaasahan na natin na malulugi pero ang mahalaga maraming pwedeng pumasok na negosyo rito mula sa iba’t ibang bansa,” aniya pa.
Okey na rin daw ang gagamiting mga eroplano, mga bus at iba pang transportation issue, bukod pa sa ilalaang security sa lahat ng involved sa Miss Universe pageant.
Ipinakita rin ni Gov. Singson sa press ang litrato ng Italian made na yate na gagamitin din ng mga kandidata. Ito raw ang magdadala sa Miss U candidates sa Vigan o sa Davao na posibleng bisitahin ng mga beauty queens all over the world.
Sey pa ni Singson, ang nais lang talaga nila ay matulungan ang administrasyong Duterte na magtagumpay sa kanyang mga plano sa Pilipinas, lalo na ang pag-ahon sa kahirapan ng mga Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.