3 Lotto jackpot magkakasunod na nakuha | Bandera

3 Lotto jackpot magkakasunod na nakuha

Leifbilly Begas |July 31,2016
facebook
share this

3 Lotto jackpot magkakasunod na nakuha

Leifbilly Begas - July 31, 2016 - 03:22 PM

    lotto for site Tatlong jackpot prizes ng lotto ang magkakasunod na tinamaan, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.      Ang pinakamalaki ay ang P272.8 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na tinamaan sa Cebu City sa bola kagabi.      Ayon sa PCSO ang nakakuha ng mga numerong 13-35-24-9-6-53 ay tumaya sa lotto outlet sa Ayala Mall Compound sa Cebu City. Nagkakahalaga ng P100 ang kanyang itinaya ng lucky pick.      Nanalo naman ng tig-P110,510 ang 23 mananaya na nakatatlong numero. Tig-P1,130 naman ang 1,784 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 38,221 na nakatatlong numero.     Balik sa P30 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto na binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.     Sa Novaliches, Quezon City naman tumaya ang nanalo ng P194.6 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Biyernes ng gabi.      Ang nanalo ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 20-55-14-22-18-30.      Nanalo naman ng tig-P86,630 ang 17 mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,080 naman ang 1,081 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 21,223 mananaya na nakatatlong numero.      Balik sa P50 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto na binobola tuwing Biyernes at Linggo.      Ang P31.1 milyong jackpot prize naman ng Mega Lotto 6/45 ay nakuha sa Imus, Cavite.     Nag-iisa ang tumaya sa mga numerong 17-5-21-41-36-9 sa bola noong Biyernes ng gabi.      Nanalo naman ng P32,140 ang 28 mananaya na nakalimang numero. Tig-P640 ang 1,108 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya ang 19,334 mananaya na nakatatlong numero.      Balik sa P9 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto na binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending