Bagyo lalabas ng PAR bukas | Bandera

Bagyo lalabas ng PAR bukas

Leifbilly Begas |July 31,2016
facebook
share this

Bagyo lalabas ng PAR bukas

Leifbilly Begas - July 31, 2016 - 02:38 PM
    pagasa Inaasahang lalabas na bukas ang bagyong Carina, batay sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.      Kung hindi magbabago ng direksyon at bilis, inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 230 kilometro sa hilagang kanluran ng Laoag, Ilocos Norte bukas ng umaga.      Bukas ito ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility at nasa layong 820 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.      Kahapon ang bagyo ay may taglay na hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 120 kilometro bawat oras.      Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong hilagang kanluran.      Kahapon ay itinaas ng PAGASA ang signal no. 2 sa Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Mt. Province, Ifugao, Kalinga, Abra at Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands.      Signal no. 1 naman sa Batanes Group of Islands, Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino, Pangasinan, Nueva Ecija at Aurora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending