Barangay Ginebra Kings giniba ang Meralco Bolts | Bandera

Barangay Ginebra Kings giniba ang Meralco Bolts

Angelito Oredo - July 31, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Phoenix Petroleum vs Global Port
6:45 p.m. San Miguel Beer vs Star
Team Standings: Mahindra (3-0); TNT Katropa (3-0); Barangay Ginebra (3-1); San Miguel Beer (2-1); Meralco (2-2); Rain or Shine (2-1); Alaska (1-2); Blackwater (1-2); NLEX (1-2); Star (1-2); GlobalPort (0-3); Phoenix (0-3)

PINUTULAN ng Barangay Ginebra Kings nang kuryente ang Meralco Bolts, 107-93, upang masolo nito ang ikatlong puwesto sa out-of-town game ng 2016 Oppo PBA Governors’ Cup eliminations kahapon sa Quezon Convention Center sa Lucena City, Quezon Province.

Umahon mula sa 11-puntos na paghahabol ang Gin Kings sa ikatlong yugto sa paghulog ng 13-3 tampok ang tres ni Scottie Thompson upang mapaganda ang karta nito sa 3-1 panalo-talo sa likod ng nangungunang Mahinda Enforcers at TNT Katropa na may 3-0 karta. Nahulog ang Meralco Bolts sa 2-2 kartada.

Siniguro naman ng magkasunod na tres ni Sol Mercado sa natitirang 1:51 minuto ng laro na nagtulak sa 14 puntos na abante sa Gin Kings sa 102-88 iskor na sinundan ni Japeth Aguilar sa huling 42 segundo upang iangat pa ang kalamangan sa 105-89 para sa Gin Kings.

Samantala, pilit na babalikwas ang San Miguel Beermen sa kabiguan habang asam ng Star Hotshots sundan ang unang pagtikim sa panalo sa dalawang sagupaan ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Unang maghaharap sa ganap na alas-4:30 ng hapon ang GlobalPort Batang Pier at Phoenix Petroleum Fuel Masters na tuluyang pinalitan ang import nito na si Marcus Simmons bago ang sagupaan sa alas-6:45 ng gabi ng San Miguel Beer na may 2-1 panalo-talong karta at Star na may 1-2 rekord.

Magpaparada ng bagong import ang Phoenix Petroleum sa katauhan ni Eugene Philips sa pagnanais nitong tapusin ang tatlong sunod na kabiguan at iwasang mabaon sa pinakailalim na hangad din ng makamit ng GlobalPort.

Huling nabigo ang Beermen kontra Enforcers, 103-105, kung saan sinuway ni import AZ Reid ang balak mag-timeout pa sa endgame na si coach Leo Austria. Sumablay ang tres ni Reid na pumigil sa dalawang sunod na panalo ng nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer.
Inaasahang babawi ang Beermen kontra kay Marqus Blakely at Hotshots na planong sundan ang 105-102 panalo sa Batang Pier.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending