Kotse ng suspek na sangkot sa road rage sa Quiapo natagpuan sa N. Vizcaya | Bandera

Kotse ng suspek na sangkot sa road rage sa Quiapo natagpuan sa N. Vizcaya

- July 28, 2016 - 03:43 PM

CCTV-camera-0727-620x349 (1)

NATAGPUAN sa Nueve Vizcaya ang sasakyang ginamit ng isang Army reservist na itinuturong nasa likod ng pagbaril at pagpatay sa nakasuntukang nagbibisikleta sa Quiapo, Maynila, ayon sa pulisya.

Sa isang ulat ni Nueva Vizcaya police, Senior Superintendent Leumar Abugan, sinasabi niya na rekober ang pulang Hyundai Eon na may  conduction sticker na MO 3745, na ginamit ng suspek na si Vhon Tanto sa Purok 3, Barangay  Kirang, Aritao, matapos ang isinagawang operasyon ganap na alas-5 ng umaga.

Idinagdag ni Abugan na iniwan ni Tanto ang sasakyan sa bahay ng kanyang bayaw na si Jonathan Leaño.

Ayon pa sa ulat, sinabihan ni Tanto si Leaño na pupunta siya ng Bataan noong Miyerkules ganap na alas-8 ng umaga at nagpahatid ito sa Florida bus station sa Banganan kung saan sumakay ang suspek ng isang bus ng Florida na patungong Sampaloc-Cubao via Subic-Clark-Tarlac Expressway.

Sinabi pa ni Abugan na dinala ang kotse sa  Aritao police station para sa inisyal na pagsusuri bago ito dalhin sa nationa headquarter ng Highway Patrol Group sa Camp Crame, Quezon City.

Nauna nang kinilala ng Manila Police District (MPD) ang 39-anyos na si Tanto na siyang driver ng Hyundai Eon na siyang pumatay sa biktimang si Mark Vincent Garalde noong Lunes ng gabi matapos na magkagitgitan.

Makikita sa CCTV footage ng insidente na nagsusuntukan ang dalawa at bandang huli ay pinagbabaril ni Tanto ang biktima.

Noong Miyerkules, kinumpirma ng Army na isang reservist si Tanto na may ranggong Private at nakatalaga sa 1301st Community Defense Center, NCR Regional Community Defense Group of the Army Reserve Command na nakabase sa Caloocan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending