Sandro Marcos proud sa pagiging kamukha ni Charice
NAKATSIKAHAN namin ang mag-anak na sina Sen. Bongbong Marcos, asawang si Atty. Liza Araneta Marcos at ang guwapo at sikat nang anak nilang si Sandro Marcos (na sobrang lakas ng dating sa amin) sa lunchdate na ipinatawag ni Manay Marichu Maceda sa Victorino’s Resto sa Q.C..
On my way to the presscon, I was hoping na sana’y nandoon si Sandro dahil he’s such a nice material for a tete-a-tete. And it’s truly great to have finally met him in person.
Pinapanood lang namin sila from afar at natutuwa kami sa relasyon nila sa kanilang son. Lalo na ang friendly gestures ng mag-amang Bongbong and Sandro – nagbubulungan sila at binibigyan nila ng moment ang bagets everytime he speaks. Sarap panoorin. And mind you, matalino talaga itong si Sandro at artistahin ang mukha. Kaya lang, funny raw tuwing naririnig niyang iki- nukumpara siya kay Charice – hawig daw kasi sila.
“That’s the funniest thing they tell about me, na I look like Charice daw. But you know, for someone who has made a name in the international scene, it makes me prouder instead of getting insulted,” ani Sandro na napaka-gentleman.
Hindi pa raw sure si Sandro kung papasukin din niya ang showbiz or a political career one day. After a year pa raw, pag tapos na siya sa kaniyang masters degree, doon daw siya magdi-decide. Pero ngayon pa lang may TV network na ang interesadong kunin ang serbisyo ni Sandro to guest sa kanilang mga programa.
On the other hand, marami talaga ang naniniwala that Sen. Bongbong Marcos was cheated during the last elections where he ran for VP. Ang nanalo kasi ay si Ms. Leni Robredo kaya they already filed their protest and cases against the other party. Sen. Bongbong prays na mapabilis ang pag-process ng inihain nilang reklamo dala nang matinding dayaan sa Vice Presidential race.
Personally, I also believe na dinaya nga si Bongbong, kayo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.