Mababa at simpleng pagbabayad ng buwis mararamdaman sa 2017 | Bandera

Mababa at simpleng pagbabayad ng buwis mararamdaman sa 2017

Leifbilly Begas - July 26, 2016 - 06:52 PM
bir Humingi ng tulong si Speaker Pantaleon Alvarez sa mga opisyal ng Department of Finance at Bureau of Internal Revenue upang agad na mapababa ang buwis na ipinapataw sa mga wage earners at maging simple ang paniningil sa mga kompanya.      At nais ni Alvarez na maisabatas ito sa loob ng isang taon para mapakinabangan na sa 2017.      “Sisikapin natin na within one year mailabas natin agad ito (batas),” ani Alvarez na kumpiyansa na matatapos ito kaagad lalo at ipinangako na ito ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address.      Sinabi ni Alvarez na komplikado ang pagbabayad ng buwis sa mga kompanya sa bansa kaya nagagamit umano ito ng mga mapagsamantala upang mangikil.      “Sa ngayon, napakumplikado nung batas natin sa taxation. Yung nakakaintindi lang nyan yung mga BIR kung papaano niya kokotongan ang mga tax payers,” dagdag pa ni Alvarez.      Ayon kay Alvarez mayroon siyang karanasan sa mga tauhan ng BIR.      “Ang style (nila) dyan. Eto ang personal kong karanasan. Ang gagawin nila ia-access ka ng napakataas. Sobrang taas, ngayon, sasabihin nila, Eto, eto na lang..ang babayarin ko kunwari P100 million, sasabihin nila: sige ibaba natin yan sa P20 Million, pero ang reresibuhan natin P10 million o minsan P5 Million lang di ba. So ganun palagi, ganun palagi,” ani Alvarez.      Kung magiging simple umano ang pagbubuwis ay madaling malalaman ng mga magbabayad ng buwis kung magkano ang kanilang tamang bayaran kaya mawawalan ng pagkakataon ang mga taga-BIR na mangikil.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending