Juday umamin, natakot maghirap at maubos ang kayamanan
BATA pa lang pala ay aware na si Judy Ann Santos sa tamang paggastos at pag-iipon.
“Alam ko pag artista hindi naman siya talaga forever. At the same time hindi ako confident na puwede akong umabot ng ganito katagal. Who would have thought na after three decades nadito pa rin ako. So I have to secure my finances. It’s not actually a big amount of money,” say niya sa presscon ng “Money 4 Life” campaign ng Sun Life Financial.
Matagal na palang client si Juday ng Sun Life, “Sinigurado ko lang na at a certain age ay may makukuha pa rin ako para lang meron kang peace of mind na parang hindi mapapariwara ang buhay mo. Na may masasandalan ka talaga.
“Sa mga artistang nakasama ko noong bata ay naririnig ko ‘yung tungkol sa insurance, na dapat nga sigurado. Tapos meron akong naririnig ko ‘yung mga issues na hindi nakapagpundar. Natakot ako sa part na ‘yon. Siguro kasi kaming magkapatid, kami ng mommy ko, kung anuman ang mangyari sa amin, magtuloy man kami sa pag-aartista o hindi kasi noong time na ‘yon iniisip ko na mag-migrate, gusto ko pag babalik ako sa Pilipinas may babalikan, may masasandalan ako.
“And apparently, ang Sun Life nagke-cater siya sa maraming country. I really like an insurance company na kahit saan ka magpunta, ano man ang plano mo sa buhay ay nandoon siya,” dagdag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.