Duterte sinabing ipapalit si Alunan sakaling tuluyang ayawan ni FVR ang pagiging Chinese envoy
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na aalukin niya si dating Interior secretary Rafael Alunan na siyang ipapadala sa China para magsagawa ng bilateral talks sakaling tuluyang tanggihan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang posisyon.
“Friday na tayo ngayon, bukas kung magsabi si President Ramos na hindi na niya kaya, I’ll appoint Alunan ng DILG, mahusay yan. Reserved pa yun—He’s a colonel in the reserved force yun na lang ang pampalit, he knows his business. So yun ang message ko sa inyo,” sabi ni Duterte sa kanyang mensahe sa matapos ang pagbisita Maguindaao.
Nauna nang sinabi ni Ramos na kakausapin niya si Duterte kaugnay ng kanyang alok na maging Chinese envoy, na nauna nang nagpahayag ng kanyang reserbasyon dahil sa kanyang edad.
Nagsilbi si Alunan na kalihim ng DILG noong panahon ni Ramos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.