Pangako ni Duterte sa mga informal settlers: Walang demolisyon kung walang relokasyon
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang demolisyon kung walang relokasyon na ibibigay para sa mga maaapektuhang informal settler.
“During my time there will be no demolition pag walang relocation, ‘di ako papayag,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa fellowship dinner ng San Beda College of Law alumni ng batch 1971 at 1972.
“Kasi kung walang mapuntahan, sirain mo ang bahay… ano parang aso? Eh saan pupunta yung mga tao?” dagdag pa ni Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na maglalaan ng pondo para matiyak ang kapakanan ng mga mahihirap.
“Yung lahat na gusto nating gamitin, we will look for a suitable relocation and that is what itong mga bagong papasok, you have to build new industries,” dagdag ni Duterte.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na inatasan niya si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay para matiyak ang mahigpit na pagkolekta ng buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.