Palasyo: Walang bayad ang pagkuha kay Direk Brillante Mendoza para sa SONA
IPINAGTANGGOL kahapon ng Palasyo ang pagkuha sa direktor na si Brillante Mendoza para tumulong sa ginagawang paghahanda sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabing wala naman itong bayad.
“It”s pro-bono, wala bayad si direk Mendoza. If you have such great talent like him who will volunteer his work…kung meron pang gusto, you are welcome to contribute your inputs to make the State of the Nation Address of President duterte a meaningful one,” sabi ni Presidential Communications Office (PCO) head Secretary Martin Andanar.
Ito’y sa harap ng mga batikos ng mga netizen sa pagkuha ng Palasyo kay Andanar para maging direktor ng SONA.
Si Mendoza ay kilalang award-winning na direktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.