Foton Tornadoes puspusan ang paghahanda para sa AVC Club Championships | Bandera

Foton Tornadoes puspusan ang paghahanda para sa AVC Club Championships

Angelito Oredo - July 17, 2016 - 01:00 AM

PUSPUSAN na ang Foton Pilipinas sa paghahanda sa hinahangad nitong makatuntong sa semifinals sa pagsabak nito sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Setyembre 3-11 sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Magkakasama na sa matinding pagsasanay kada dalawang araw sa isang linggo ang mga reinforcement na sina Aby Maraño ng F2 Logistics, Jen Reyes ng Petron, at Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga ng RC Cola-Army at ang mga miyembro ng Foton na siyang bubuo sa pambansang koponan.

Kasama ng apat ang miyembro ng Tornadoes na sina Jaja Santiago, Angeli Araneta, Patty Orendain, Maika Ortiz, Ivy Perez, at Rhea Dimaculangan sa regular na pagsasanay na nagpapakita ng kanilang kaseryosohan para sa nalalapit na pagsabak sa internasyonal na torneo.

Kabilang din sa koponan sina Bea General, Kara Acevedo, EJ Laure, Cherry Rondina at Carol Cerveza na nasa paggiya ni Villet Ponce-de Leon bilang head coach kasama ang dating national team skipper na si Ian Fernandez bilang chief assistant.

Ipapakilala ang bumubuo sa koponan sa Hulyo 22 sa Crimson Hotel sa Alabang, Muntinlupa.

Optimistiko si Foton team manager Alvin Lu na magagawa ng Tornadoes na malampasan ang ikapitong puwesto na pagtatapos ng Petron na huling sumabak sa prestihiyosong continental na torneo.

Inaasahang iaangat pa ng koponan ang paghahanda sa pagtungo at paglahok sa isang training camp sa Thailand sa pagdating ng mga imports na sina Lindsay Stalzer at Ariel Usher sa susunod na buwan.

Makakasagupa ng Foton Pilipinas sa Group A ang Lien Viet Post Bank ng Vietnam at Hong Kong national team.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending