'Si Alden Richards ang nagdala sa Imagine You & Me!' | Bandera

‘Si Alden Richards ang nagdala sa Imagine You & Me!’

Cristy Fermin - July 16, 2016 - 12:01 AM

maine mendoza at alden richards

SIGURADONG nagbubunyi ngayon ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil nakalusot ang kanilang pelikula. Sa mga panahong ito na hindi gaanong tinatao ang mga pelikulang lokal na ipinalalabas ay pinilahan sa takilya ang “Imagine You & Me.”

At masasayang lumalabas ang kanilang mga tagasuporta, kinikilig, dahil sa tambalang nu’n pa nila inaasam na maging sila na rin sana sa tunay na buhay. Kuwento ng isang nakapanood ng pelikula ng AlDub, “Napakaguwapo ni Alden! Sa ilang eksena nga, ang akala kong nasa screen, e, si John Lloyd Cruz! Malaki ang pagkakahawig nila.

“Sa acting, e, lamang pa nang maraming paligo si JLC kay Alden, pero okey lang, dahil di hamak namang mas matagal na si John Lloyd at si Alden, e, ngayon pa lang gumanda ang career. “Pero malaki ang pagkakamukha nila, pareho silang guwapo, saka may mata sila sa pag-arte. Si Alden ang nagdala ng movie,” kuwento ng aming kausap.

Para sa isang bagito sa pag-arte ay okey na rin daw si Maine, magaling na rin siya para sa isang newcomer, hindi naman kasi siya maaasahang umarte nang todo dahil sa comedy siya nalilinya. Awkward siyang magdrama, parang nakakaasiwa, parang hindi bagay sa kanya,” bawi ng aming source.

Ang mahalaga ay nagtagumpay ang pelikula, sinuportahan sila ng kanilang mga tagahanga, hindi nasayang ang puhunan at effort ng buong produksiyong bumiyahe pa papuntang Italy para sa proyekto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending