Mga mayor at kapitan na talamak ang droga sa mga nasasakupan papanagutin-Palasyo
SINABI ng Palasyo na papanagutin ang mga mayor at kapitan ng mga lugar kung saan mataas ang insidente ng droga.
Sa isang press briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na sa isinagawang pagpupulong ng Gabinete sa Malacanang na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, isinulong din ang pagtatayo ng mga regional rehabilitation center para sa rehabilitasyon ng mga drug user.
“A proposed memorandum to barangay captains and mayors — of places with high incidence of drugs that they may be investigated for serious neglect of duty if found to have neglected their tasks,” sabi ni Abella.
Ito’y sa harap na rin ng kampanya ng gobyerno kontra droga kung saan maraming napapatay na umano’y sangkot sa droga.
Nauna nang sinabi ng Palasyo na mas marami pang papangalanang personalidad na sangkot sa droga sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.