Bianca kay Fabio: Kahit anong gawin ko, mahal na mahal pa rin niya ako! | Bandera

Bianca kay Fabio: Kahit anong gawin ko, mahal na mahal pa rin niya ako!

Ervin Santiago - July 08, 2016 - 12:20 AM

FABIO IDE AT BIANCA MANALO

FABIO IDE AT BIANCA MANALO

GULAT na gulat si Bianca Manalo nang maitanong ng press kung totoong engaged na sila ng kanyang Brazilian-Japanese boyfriend na si Fabio Ide.

Nakachika rin namin at ng iba pang members ng press ang former beauty queen-actress sa huling taping ng My Super D, siya ang ka-loveteam ni Dominic Ochoa sa serye.

“Wala pa, wala pa. Oh my God, hindi ko alam,” shocked na reaksiyon ni Bianca. Pero inamin naman niyang napag-uusapan na nila ni Fabio ang wedding.

Ayon pa sa Kapamilya actress, sa ngayon, sure na sure na siya sa feelings niya para kay Fabio, at maligayang-maligaya raw siya sa piling ng model-actor, “Magpo-post ba ako ng photos namin kung hindi ako sigurado of what I have right now?”

“Masyado akong maganda sa paningin niya, ganoon. Para bang sobra niya akong mahal, ‘yung kahit anong gawin ko ay mahal na mahal niya ako at alam ko ‘yon, nararamdaman ko ‘yon.

“Kagabi lang sinabi niya sa akin, I will never give you up, kahit nagkakaroon kami ng little misunderstanding kasi parte naman ‘yun ng isang relationship. Talagang iba. ‘Yung kahit i-push away mo siya ay nandiyan lang siya,” dagdag pa ni Bianca.

Pero nag-e-expect na siya ng proposal from Fabio, “Maaari. Ako kasi naniniwala ako na if it will come, it will come. If it will happen, it will happen.”

Samantala, kinumusta rin ng press ang aktres ang tungkol sa relasyon niya sa anak ni Fabio kay Denisse Oca, aniya, “Okay kami. We spend time together. Kapag wala akong masyadong gawa sumasama ako, magkakasama kami.

“When I stepped into the relationship I knew in my heart may anak siya. Package ‘yon, hindi pwede ‘yung ayaw ko ‘yan. Kung mamahalin mo siya, buo kung ano ang mayroon siya,” chika pa ng former beauty queen.

Anyway, sa last taping daw ng My Super D ay kinunan nga ang bonggang ending ng serye. Pero hindi na muna namin ikukuwento kung ano ang bonggang eksenang ito para ma-surprise kayo. Basta ang sabi nina Dominic at Bianca, siguradong magugustuhan ng mga manonood ang gagawing pamamaalam ni Super D.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang My Super D bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN, sa direksiyon nina Frasco Mortiz at Lino Cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending