Young actor sikat na sikat na pero walang angas
MARAMING pumupuri sa isang young hunk actor dahil sa kawalan niya ng kaartehan sa linya ng pagtatrabaho. Walang katotohanan ang mga naunang kuwento na mahirap siyang pakainin sa location dahil marami siyang hinahanap.
Madalas kunong magpabili na lang ng sariling pagkain ang young hunk actor dahil hindi niya gusto ang pagkain ng produksiyon, pero pangkanya lang ang ipinabibili niya, hindi man lang siya nang-aalok sa mga kapwa niya artista.
May kuwento pa ngang umikot na hindi siya gumagamit ng ordinaryong tubig na panghilamos o panghugas ng kanyang mga kamay, kundi raw mineral water ang ginagawang panghugas ng young hunk actor ay kilalang brand ‘yun ng tubig na nakabotelya, may kamahalan ang naturang brand na ipinang-iisprey ng mga artista sa kanilang mukha.
Pero ang lahat ng ganu’ng kuwento ay pinasinungalingan ng mga mismong nakasama ng young hunk actor sa isang proyekto. Wala raw kaarte-arte ang male personality, madali siyang pakainin dahil hindi mapili ang kanyang panlasa, simple lang siya at walang mga rekotitos na hinihingi sa produksiyon. “On the contrary at in fairness kay ____ (pangalan ng guwapong young hunk actor), e, napakasarap niyang katrabaho. Madali siyang kausap, wala siyang angas at kaartehan.
“Kung ano ang food sa set, kinakain niya, hindi totoo ‘yung kuwentong nagpapabili siya ng food sa labas. Kalokohan ‘yun! Kahit minsan, sa tagal namin siyang nakasama, walang ganu’n!” depensa ng aming source. May mga naiinggit lang daw sa male personality dahil maganda ang takbo ng kanyang career, hindi siya nawawalan ng proyekto, dahil maraming nagkakagusto sa kanyang ugali.
“E, di siya na! E, di siya na talaga! Bradly Guevarra, e, di hulaan mo na kung sino siya!” natatawang pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.