Bagyong Butchoy lalong lumakas | Bandera

Bagyong Butchoy lalong lumakas

Leifbilly Begas - July 06, 2016 - 06:46 PM
pagasa Mas lalo pang lumakas ang bagyong Butchoy habang tinatahak nito ang direksyon palabas ng Philippine Area of Responsibility.      Kahapon, itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang public storm signal no. 1 sa Batanes Group of Islands.      Bago magtanghali kahapon, ang bagyo ay nasa layong 860 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.      Mayroon itong hangin na umaabot sa 195 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 230 kilometro bawat oras.      Umuusad ito sa bilis na 30 kilometro pahilagang kanluran. Sinabi ng PAGASA na palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan.      Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang na sa layong 305 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Bukas sa layong 365 sa hilaga-hilagang kanluran ng Itbayat.      Lalabas ang bagyo sa PAR sa Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending