Parang loka-loka rin itong si Rayver Cruz dahil to this day daw ay naghihintay pa raw itong balikan ng ex na si Cristine Reyes.
Hindi pa raw niya nage-get over ang feelings niya for the sexy star kesehodang pinaglalaruan na raw siya.
Ganyan din ang nangyari nu’ng una silang nag-split, remember?
Talagang si Rayver ang umiyak at sobrang apektado kaya hayun, nu’ng binalikan ni Cristine after her feud with sister Ara Mina ay dalawang kamay na tinanggap ng aktor.
“Marami talagang tanga sa larangan ng pag-ibig.
Baka kasi pinatikim ni Cristine ng something na hinding-hindi makalimutan ni Rayver.
Kasi nga, batambata siya nang mapunta kay Cristine na mukhang sanay na sa pakikipag-boyfriend.Kaya naman na-addict na siya Cristine,” anang isang barubal naming friend.
Mabait lang talaga siguro si Rayver kaya natural na sa kanya ang masaktan at magtiis.
Bihira ang ganitong lalaki pero they exist.
Kaya lang, ang advise lang namin kay Rayver, move on and find your girl.
Huwag na siguro si Cristine dahil ilang lalaki na ba ang nali-link sa kanya ngayon – sina Derek Ramsay, Dennis Trillo at si Champ ng bandang Hale.
Lahat daw ng mga ito ay ka-date regularly ni Cristine and Rayver must know the definition of the word DATE, the Cristine style.
Kaya huwag na siyang umasa pang babalikan ni Cristine.
Kung babalikan man siya nito at tinanggap niyang muli, paulit-ulit lang siyang masasaktan. Believe me!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.