Production Staff nagpiyesta nang matsugi ang SARAH G LIVE, matagal na raw nagtitiis | Bandera

Production Staff nagpiyesta nang matsugi ang SARAH G LIVE, matagal na raw nagtitiis

- February 18, 2013 - 04:53 PM

sarah geronimoMahirap daw kasing pakisamahan ang Pop Princess

PANAY ang parunggit ng mga taga-entertainment media kay Sarah Geronimo especially when she lost her Sunday show sa ABS-CBN.

Kahit pala staff mismo ng kanyang defunct show na Sarah G Live ay nagre-rejoice sa pagkawala ng programa dahil mahirap nga raw pakisamahan ang actress-singer.

Mahirap din yung wala kang relasyon with the press kung isa kang artist.

Hindi porke sikat ka ay iisipin mong mas kailangan ka ng press more than you need them.

Alam n’yo naman sa showbiz, you are as good as your last picture.

Masyado kasing detached itong si Sarah sa press.

Puro kabig lang silang mag-anak and her mom especially, may pagkamaldita raw kasi ito.

Kaya walang amor sa kanila ang mga reporters. Ni hindi nga sila nakakaalala ng mga birthdays and Christmases para mag-share ng kanilang blessings with the members of the media.

Hindi dahil sa kinakailangan nilang mag-dole out ng pera or gifts sa press para mapalapit sila sa mga ito, they’ve never reached out with anyone of us.

Nandiyan naman daw kasi ang Viva na nag-aalaga sa kanya kaya kampante sila.

Balewala sa kanila ang mga reporters.

Ngayong hindi na siya ganoon kainit sa showbiz, saan kaya siya pupulutin one day? Sige nga!

Nahuli rin daw si Sarah sa kanyang mga bibig nang sabihin niyang ang mga nanakit daw sa kanya ay pinagkakitaan din niya sa kanyang mga shows.

Nakakaloka ang mga one-liners ng batang ito.

Akala niya siguro cute ang naging dating sa mga tao nang sabihin niya ito on national television.

Lumabas lang talaga na siya’y isang user – to its highest form pero idinaan lang niya sa pa-demure-demuran.

Ha-hahaha!

It’s not all about talent in this business, hija.

Ang malaking pangalan ng isang artista ay puwedeng mauwi sa kawalan pag hindi siya marunong makisama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mark my work, Sarah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending