USUNG-USO ata ang mga threats sa showbiz. Katatapos lang ng balitang may bomb threat sa nakanselang concert ni Alden Richards, heto’t may death threats din pala sina James Reid at Nadine Lustre.
Sa presscon ng libro ng JaDine loveteam titled “Team Real” ay na-open up ang tungkol sa banta sa buhay ng dalawa. Kumalat ang balitang ‘yan bago ang ginanap na book launch ng “Team Real” sa Market!Market! last Saturday. Natapos ang event na wala namang nabalitang untoward incident.
Kitang-kita sa mukha ni James ang pagkabigla nang marinig niyang may death threat pala sa kanila ng kalabtim at real girlfriend na si Nadine. Tila walang kaalam-alam ang aktor tungkol dito base sa facial reactions niya na nakita namin sa presscon ng book nilang “Team Real” published by VRJ Books.
Another big issue sa popular loveteam ang ginawang official announcement ng Viva Artist Agency headed by Veronique del Rosario ang hindi pagrampa ni Nadine sa big night ng FHM’s Sexiest Women in the Philippines 2016. Hindi namin sure kung malulungkot o magsasaya ang JaDine fans sa balitang ‘to.
But for sure, aprub na aprub ‘yan kay James. ‘Di ba, JaDine fans? Saglit naming nakatsikahan ang manager ng JaDine na si Veronique at say niya, maaapektuhan daw ng malaki ang product endorsements ni Nadine especially ‘yung food chain na binanggit niya sa amin.
Imbes na magtagal nga naman na endorsers sina James at Nadine gaya ni Sarah Geronimo, e, mawala pa. Malaking kawalan nga naman ‘yun hindi lang financially kundi pati na exposures ng wholesome na loveteam.
Naikwento rin ni Veronique na magsisimula nang mag-taping para sa bagong serye ang JaDine sa ABS-CBN sa August. May mga natanguan pa raw kasi na commitments ang JaDine na dapat tapusin ngayong buwan.
Tatapusin muna lahat ‘yun para makapag-concentrate sila sa bago nilang teleserye. Pero ‘yung month of July binigay muna ng Viva kina James at Nadine para magbakasyon. Bahala na raw ang dalawa kung saan i-spend ang kanilang much-deserved vacation.
Samantala, sinagot din ni Nadine ang rumor na may sex scandal din daw si James, “Parang alam ko naman sa lahat, wala naman po. Tatawanan ko na lang din po ‘yan.” Hiningan din siya ng reaction sa balitang hindi naman daw siya totoong mahal ni James, “Bakit niya alam? Siya ba si James?”
About “Team Real” book, grabe ang suportang ipinakita ng JaDine fans sa kanilang favorite loveteam. Hindi pa man nilalabas officially ang libro ay may mga advance orders na sa net. Kaya naman sa book launch pa lang, libo na ang nabiling kopya ng “Team Real.” Ayon sa Viva, “Team Real” is the biggest-selling book this year with almost 100,000 copies sold.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.