Pinay kidnap victim pinalaya sa Sulu | Bandera

Pinay kidnap victim pinalaya sa Sulu

John Roson - June 24, 2016 - 02:41 PM

SAMAL-Kidnapping

Pinawalan ng mga kasapi ng Abu Sayyaf kahapon (Biyernes) sa Sulu ang Pilipinang dinukot kasama ang tatlong banyaga sa Samal Island, Davao del Norte, noong Setyembre, ayon sa militar.

Nasa kostudiya ng Joint Task Force Sulu ang kidnap victim na si Marites Flor dakong alas-12 ng tanghali para sa pagsusuring medikal, sabi ni Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command. Una dito’y natagpuan na lang si Flor sa tapat ng bahay ni Sulu Gov. Abdusakur “Totoh” Tan II sa Brgy. Asturias, Jolo, dakong alas-4 ng umaga, sabi sa Bandera ng isang military source na nakabase sa Sulu. Kinumpirma ni Major Tan ang impormasyong ito at sinabing nai-turn over si Flor sa JTF Sulu alas-11. Si Flor ay kabilang sa apat kataong dinukot ng mga armado sa isang resort sa Samal Island noong nakaraang Setyembre. Ang iba pa’y ang mga Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall, at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad. Pinugutan ng Abu Sayyaf si Ridsdel noong Abril 25 at Hall noong Hunyo 13, matapos mapaso ang deadline ng mga bandido para sa pagbabayad ng ransom. Natagpuan ang ulo ni Hall sa Mt. Carmel Cathedral ng Jolo noong gabi ng Hunyo 13, pero di pa matagpuan ang kanyang katawan.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending