Pinay na bihag ng Abu Sayyaf pinalaya na | Bandera

Pinay na bihag ng Abu Sayyaf pinalaya na

- June 24, 2016 - 12:08 PM

PINALAYA na ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang Pinay kidnap victim na si Maritess Flor.

Si Flor ay kasama ng tatlong dayuhan na binihag ng Abu Sayyaf sa bahagi ng Samal Island noong September 2015.

Sa inisyal na impormasyon, si Flor ay pinalaya Biyernes ng umaga at kaagad na dinala sa bahay ni Sulu Governor Abdusakur Tan.

Hindi pa malinaw kung paanong pinalaya si Flor at ang proseso ng pagpapalaya sa kaniya.  Hindi rin sinabi kung may ransom na ibinigay kapalit ng kanyang paglaya.

Si Flor ang kasintahan ng isa sa tatlong dayuhang biktima ng pandurukot na si Kjartan Sekkingstad.

Nauna nang pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf ang dalawang dayuhang biktima na sina John Ridsdel at Robert Hall.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending