Luis, Jessy huli sa aktong magka-date sa sinehan | Bandera

Luis, Jessy huli sa aktong magka-date sa sinehan

Ervin Santiago - June 24, 2016 - 01:00 AM

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

KAHIT nag-deny na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na meron nang namamagitan sa kanila, mas marami pa rin ang naniniwalang nasa “exclusively dating stage” na sila.

Mas lalo pang uminit ang isyu tungkol sa kanila nang mag-post ng litrato ang isang netizen na kuha sa isang sinehan sa Mandaluyong kung saan magkasama sina Luis at Jessy.

Ayon sa nag-post ng photo, magkasama raw nanood ng movie (The Conjuring 2) ang dalawang

Kapamilya stars at nang makita nga niya ang mga ito ay nagpakuha na siya ng picture.

Nagsimulang ma-link sina Jessy at Luis nang mag-post ang dalaga ng litrato kasama ang TV host-actor sa kanyang Instagram account na may nakakaintrigang caption.

Anang dalaga, “Salamat sa pagpapatawa sa akin everyday! Hindi ka lang semi-guwapo. Sobrang guwapo mo na kahit lahat ng guwapo sa mundo ay pag pinagsama-sama, hindi uubra sa iyo. Ikaw na talaga yan.”

Maraming followers naman ang dalawa na nagsasabing bagay na bagay silang maging magdyowa. Pareho naman silang single kaya wala raw nakikitang masama ang mga netizen kung maging sila nga sa tunay na buhay.

Matagal nang naghiwalay sina Luis at Angel Locsin at mukhang naka-move na rin naman si Jessy sa break-up nila ni JM de Guzman, so feeling namin, pwedeng-pwede naman silang maging magdyowa.
Sa isang panayam naman kay Luis tumanggi na itong magsalita about Jessy dahil baka kung saan lang daw mapunta ang issue.

“Hindi ko naman ide-deny… there are pictures din naman.

“Anything about her, tatahimik ako, kasi hahanapan lang ako ng butas. So, tatahimik na lang ako,” ang chika pa raw ni Luis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending