Aktor na nagdroga noon dinadalaw pa rin ng ‘multo’ | Bandera

Aktor na nagdroga noon dinadalaw pa rin ng ‘multo’

Cristy Fermin - June 23, 2016 - 12:05 AM

BLIND ITEM MALE 0513

PAMINSAN-MINSAN ay meron pa rin palang “pitik” ng nakaraan niyang nakahiligan ang isang guwapo at magaling pa naman sanang aktor. Dinadalaw-dalaw pa rin siya ng multo ng nakaraan.

Kung matatandaan ay nagkaroon ng depresyon ang male personality dahil sa kanyang lovelife. Naghiwalay sila ng girlfriend niyang young actress, pakiramdam niya ay ipinagpalit siya sa iba, nagsumbong siya sa pagbibisyo.

Masinsinan siyang kinausap nu’n ng kanyang pamilya, pero hindi siya nakinig, nagpatuloy pa rin siya sa pagbibisyo. Maraming nanghihinayang sa kanyang talento dahil hindi siya basta guwapo lang, magaling siyang umarte, iilan lang ang mga artistang may-ari ng ganu’ng katangian.

Simulang kuwento ng aming source, “Sa taping ng isang teleseryeng kasama siya, e, pinakikiramdaman muna siya ng mga co-stars niya kung okey ang mood niya. Kailangan nilang malaman ‘yun para alam din nila kung paano nila pakikibagayan si ___ (pangalan ng guwapo at magaling na aktor).

“Mahirap na nga naman, baka mamaya, e, wala siya sa mood na makipag-usap, mapahiya lang sila. May mga ganu’ng pitik pa rin kasi siya hanggang ngayon, e. “May mga panahon na gusto lang niyang mapag-isa, nasa isang sulok lang siya at tahimik na tahimik. Kung minsan naman, e, nakikipagbiruan siya sa mga crew, ang ibig sabihin nu’n, e, okey siyang makipag-usap kahit kanino.

“Mabait siya, wala siyang inaaway, basta kapag may pitik ng nakaraan si male personality, tahimik na tahimik lang siya,” kuwento ng aming impormante. Gustong maniwala ng mga kaibigan ng male personality na okey na okey na siya, hindi na siya nakikipagkita kay “Sharon Stone,” pero nandu’n pa rin ang paminsang-minsang “pitik” ng nakaraan niyang bisyo.

Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo siya, mark my word, hindi ka mahuhuli sa panghuhula kung sino siya, promise!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending