LUIS: Hindi kami magka-live in ni JENNYLYN! | Bandera

LUIS: Hindi kami magka-live in ni JENNYLYN!

|February 16,2013
facebook
share this

LUIS: Hindi kami magka-live in ni JENNYLYN!

- February 16, 2013 - 05:17 PM

luis manzanoNagsalita na raw si Luis Manzano sa balitang kumakalat na nagli-live in na sila ni Jennylyn Mercado.

Galing daw sa ina ni Patrick Garcia ang balitang nagsasama na sa isang bubong ang dalawa kaya mabilis namang nag-react si Luis.

Itinatanggi ng binata na nagsasama na sila ng girlfriend na si Jennylyn.

Natural, wala naman tayong magagawa kundi ang irespeto ang kanyang mga pahayag.

Alangan namang kontrahin natin ito at ipagpilitang maniwala tayo sa chika na nagli-live in na sila.

After all, sila lang namang dalawa ni Jennylyn ang nakakaalam sa totoo and nothing but the truth.

Sa mga artista kasi, ang pag-deny ay parang just having breakfasts in the morning.

Sanay sila sa pagsisinungaling – sa di pag-amin.Kung nakamamatay lang ang pagsisinungaling, baka dalawa na lang ang matitirang artista sa mundong ibabaw.

Kaya tuloy wala nang masyadong naniniwala sa mga artista, eh – kasi nga, mahusay silang mag-pretend on anything.

Hay naku, mahirap na lang magsalita.

Mamatay na raw ang nagsisinugaling sabi ng source nating hindi nanay ni Patrick Garcia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya mo iyon, Luis boy?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending