NANANATILING llamado ang 16-time Philippine Motocross Rider of the Year Glenn Aguilar sa pagsabak nito sa 2016 Diamond Motor Mx Series sa Sabado, Hunyo 25, sa Mx Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal.
Halos abot kamay na ni Aguilar ang Rider of the Year award matapos itala ang kabuuang 196 puntos mula sa nakamit na tatlong panalo sa season na ito. “I should have been retired at my age,” sabi ni Aguilar, na katutuntong lamang sa edad na 42.
“I was competing since 1992 although lumipat ako sa superbike pero naiwan ko ang anak ko si McLean kaya nagbalik ako para magabayan ko naman siya.” Tanging naghahamon sa titulo ni Aguilar ay ang magkapatid na sina Enzo at JC Rellosa.
Nasa ikalawang puwesto si Enzo na may 164 overall points habang si JC ay may 149 puntos. Naglalaban naman sa Pro-Am category si Jepoy Rellosa, Ralph Ramento at McLean Aguilar na nasa unang tatlong puwesto sa standings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.