Nasawi ang isang Army colonel, na kilala sa pagiging bahagi ng kampanya laban sa Abu Sayyaf, nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa kanyang bahay sa Zamboanga City Linggo ng gabi, ayon sa mga awtoridad.
Nasawi si Lt. Col. Cristobal Julian Paolo Perez, nakatalaga bilang G1, o assistant chief of staff for personnel, ng Army 1st Infantry Division sa Zamboanga del Sur.
Nasa labas si Perez ng kanyang bahay sa Buenbrazo Drive, Aurora Village, Brgy. Guiwan, dakong alas-9:20 nang pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motor, sabi ni Lt. Col. Benedicto Manquiquis, public affairs officer ng Army 1st ID.
Naganap ang insidente sa likod ng restaurant na pag-aari ng 46-anyos na si Perez at iba pang tao.
“I think he (Perez) was there to celebrate Father’s Day because he was with his wife,” ani Manquiquis.
Isinugod si Perez sa Zamboanga Peninsula Medical Center dahil sa mga tama ng bala, pero binawian ng buhay habang nilulunasan alas-10:45, sabi naman ni Senior Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga City Police.
Nakatagpo ang mga rumespondeng pulis ng apat na basyo ng kalibre-.45 pistola crime scene.
Inaalam pa ng mga tahuan ng Police Station 7 (Sta. Maria) at Special Investigation Task Group “Tiny” ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, ani Galvez.
“We condemn this senseless killing and will work hard to bring justice for the family of Lt. Col. Perez,” sabi ni Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.
Bago maitalaga sa 1st ID, si Perez, na kilala rin sa palayaw na “Tiny,” ay nagsilbi bilang commander ng Army 18th Infantry Battalion sa Basilan, kung saan ilang beses niyaang nasagupa ang Abu Sayyaf.
Dati ring naitala si Perez sa military intelligence units at minsang nagsilbi bilang aide ni dating AFP chief of staff Hermogenes Esperon, na kamakailan lang ay pinangalanan bilang national security adviser ni President-elect Rodrigo Duterte. (John Roson)
– end –
Reply, Reply All or Forward |
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending