Mga bagitong kongresista, sumalang sa orientation | Bandera

Mga bagitong kongresista, sumalang sa orientation

Leifbilly Begas - June 20, 2016 - 02:00 PM
house of representatives Sumalang sa orientation and crash course sa paggawa ng batas ang 38 bagitong kongresista na uupo sa 17th Congress ng Kamara de Representantes.      Sa kabuuan ay 68 na bagitong kongresista at 40 come backing solon ang sasalang sa orientation. Hinati sa tatlong batch ang mga kongresista na lalahok dito.      Isinasagawa ang Executive Course on Legislation sa Speaker Prospero C. Nograles Hall sa South Wing Annex.      Sa Huwebes ay papasok sa plenary ang mga sumasailalim sa orientation para sa kanilang orientation sa isasagawang sesyon.      Kasama sa mga dumalo kahapon si dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Bayani Fernando, Kabayan Rep. Harry Roque, Kabataan Rep. Sarah Elago at Manila Representatives Yul Servo at John Marvin Nieto.  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending