Kristoffer Martin hindi nagpalamon, lumaban kay 'Heneral Luna' | Bandera

Kristoffer Martin hindi nagpalamon, lumaban kay ‘Heneral Luna’

Cristy Fermin - June 20, 2016 - 12:15 AM

kristoffer martin at john arcilla

MATAGAL na naming nasusubaybayan ang pagganap ni Kristoffer Martin sa mga serye ng GMA 7. Pinakahuli namin siyang natutukan sa Because Of You bilang boyfriend ni Joyce Ching. Hindi lang basta guwapo ang young actor, may maipagmamalaki siyang acting, kahit anong papel ang pagampanan sa kanya ay lumulutang ang kanyang karakter.

Nu’ng Sabado nang gabi ay natutukan uli namin si Kristoffer Martin sa Magpakailanman. Nakipagsabayan siya ng husay sa pag-arte sa de-kalibreng aktor na si John Arcilla. At hindi siya nagpaiwan sa biyahe sa aktingan.

Hindi siya OA umarte, saktung-sakto lang, lalo na sa madadramang eksena. ‘Yung eksenang nangangako siya sa kanyang ina (Glenda Garcia) na hindi na siya uli mangho-holdap ay kapala-palakpak, naitawid niya ‘yun nang may suntok sa puso ng manonood, malayo ang mararating ng batang aktor na ito.

Siyempre’y hindi mo pipikitan ang mga eksena nila ni John Arcilla. Ipinakita si Kristoffer bilang isang anak na sabik sa pagmamahal ng kanyang ama na palaging nawawala sa kanilang piling nang matagal na panahon.

Nagkita nga sila pero naganap ‘yun sa kulungan, naging masakit ang mga tagpo dahil siya pang anak ang naatasang “magbinyag” sa bago nilang kakosa na tatay pala niya, hindi katapun-tapon ang mga pagpapalitan ng dayalog nina John Arcilla at Kristoffer Martin.

Sana’y mabigyan pa ng mas magagandang proyekto ng GMA 7 si Kristoffer Martin. Bibihira ang kumbinasyon ng kaguwapuhan at husay sa pag-arte sa mga panahong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending