Kris naghahanda na sa pagbabalik sa ABS-CBN, may bagong travel show Bandera

Kris naghahanda na sa pagbabalik sa ABS-CBN, may bagong travel show

Reggee Bonoan |June 20,2016
share this

Kris naghahanda na sa pagbabalik sa ABS-CBN, may bagong travel show

Reggee Bonoan - June 20, 2016 - 12:10 AM

 

kris aquino

PAPASOK na sa season 2 ang morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Kaya naman very happy ang tatlong hosts ng programa dahil magaganda ang feedback na natatanggap nila mula sa mga manonood bukod pa sa maganda rin ang laban nila sa ratings game. May balitang mas marami ang tumututok sa Magandang Buhay kesa sa morning show ni Marian Rivera dahil may ulat na bilang na lang daw ang mga araw nito sa ere.

Wala namang alam ang tatlo sa nangyayari sa mga kalaban nilang programa sa kabilang istasyon dahil naka-focus lang sila sa kanilang show at kung paano nila mas mapapasaya pa ang kanilang guests at ang mga nanonood.

Hindi namin napapanood ang Magandang Buhay dahil ang aga-aga ng timeslot nito maski pa naurong na ito sa 8 a.m. simula ngayong Lunes, Hunyo 20. Pero base naman sa feedback ng viewers na naririnig namin ay masaya ang mga nagiging guests nina Karla, Melai at Jolina dahil naaaliw sila sa palitan ng punchlines ng mga ito. Kumbaga, pampa-good vibes lang talaga ang kanilang morning show.

Samantala, may natanungan naman kaming taga-Dos kung ano na ang update sa pinag-uusapang show ni Kris Aquino sa pagbabalik nito sa susunod na buwan. Naghahanda na raw kasi ang TV host sa kanyang new program. “Travel show ang next show niya, ‘yun ang gusto niyang comeback project kaya inaayos pa ng management,” sabi sa amin.

Bagay naman din ang travel show kay Kris dahil lagi rin siyang nagpupunta kung saan-saan kasama ang kanyang mga anak kaya puwede niya itong i-feature sa show niya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending