Pangarap maging seaman (2) | Bandera

Pangarap maging seaman (2)

Joseph Greenfield - June 19, 2016 - 12:10 AM

Sulat mula kay Edward ng Riverside, Matagob, Leyte
Problema:
1. Matagal na akong nag-aaplay sa barko, kaya lang parang malas. Kasi mag-iisang taon na hindi pa rin ako nakakasamapa, kaya naisipan ko pong sumulat sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kayang matupad ang pangarap ko na maging seaman at makasampa sa barko? April 28, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Edward ng Leyet
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo, pinaka-matagal na sa Setyembre siguradong may darating sa iyong malaking suwerte at malaman ang malaking suwerteng ito ay ang napipinto o ang nalalapit mong pag-aabroad.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing sa taong ito ng 2016 hanggang 2017, tulad ng naipaliwanag na, susuwertehin ka at sa nasabi ngang panahon sa edad mong 27 pataas may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.
Luscher Color Test:
Sa muling pag-aaplay, upang matiyak na matutuloy ka na sa abroad, dilaw o kaya’y pula ang gamitin mong kulay.
Graphology:
Samantala, bahagyang inobasyon naman sa iyong lagda ang kailangan. Habaan mo ang dulong bahagi ng iyong pirma sa particular ang pinaka-paa ng letarng “a”. Sa ganyang paraan, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa buhay mo ngayong taong ito ng 2016.
Huling payo at paalala:
Edward ayon sa iyong kapalaran, sundin mo lang ang mga simpleng rekomendasyong inilahad na sa itaas, makikita mo, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2016, sa edad mong 27 pataas, sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo, pinaka-matagal na sa buwan ng Setyembre, may isang mabunga at mabiyayang pagsi-seaman na itatala sa iyong kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending