Tabal, Cray, Torres kumpirmado na sa Rio Olympics | Bandera

Tabal, Cray, Torres kumpirmado na sa Rio Olympics

Angelito Oredo - June 17, 2016 - 01:00 AM

OPISYAL nang nasa listahan ang Cebuana na si Mary Joy Tabal sa mga sasabak sa Rio Olympics.

Opisyal nang inilagay ng International Athletics Association Federation (IAAF) sa kanilang website ang listahan ng mga nakapagkuwalipika sa iba’t-ibang events ng track and field kung saan kasama si Tabal sa listahan.

Gayunman, ang 26-anyos na si Tabal, na pinakaunang Pilipinang marathoner na sasabak sa Olimpiada matapos na pahintulutang makabalik ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) bilang miyembro ng pambansang koponan, ay lubhang malayo ang puwesto at oras sa posibleng anumang kulay ng medalya.

Base sa inilabas na listahan ay nasa pangkalahatang ika-484 puwesto si Tabal sa isinumite nito na kabuuang oras na 2:43:31 sa pagtapos nito sa ikawalong puwesto sa ginanap na ScotiaBank Ottawa Marathon sa Ottawa, Canada noong Mayo 29.

Nangunguna sa listahan ang Ethiopian na si Tirfi Tsegave na itinala naman ang pinakamabilis na oras na 2:19:41 sa kanyang paglahok sa Dubai Marathon noong Enero 22.

Nasa ika-20 puwesto naman ang 27-anyos na si Eric Cray sa isinumite nitong personal best at national record na 49.07 segundo sa pagtakbo nito sa 400m hurdles sa Kawasaki (Todoroki Stadium) noong Mayo 8.

Kasama rin sa listahan sa ika-40 puwesto sa long jump si Marestella Torres-Sunang matapos naman magtala ng 6.60 metro sa ginanap na Philippine National Open sa Pasig City noong Abril 7. — A. Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending