'Bato’ sinabing mga mayor na sangkot sa droga ituturing mga ordinaryong kriminal | Bandera

‘Bato’ sinabing mga mayor na sangkot sa droga ituturing mga ordinaryong kriminal

- June 15, 2016 - 04:21 PM
bato SINABI ni Chief Supt. Ronald “Bato” dela Rosa na ituturing niyang mga ordinaryong kriminal ang 35 lokal na opisyal na umano’y sangkot sa droga.

Hinamon din ni dela Rosa ang mga mayor na umalis na lamang sa puwesto kung patuloy na magsisilbing protektor ng mga drug lord sa kanilang nasasakupan.

“We will treat them like ordinary criminals. They committed a crime. I don’t care if you’re a mayor. You were elected using your drug money,” sabi ni dela Rosa.

Nauna nang sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) at 35 lokal na opisyal ang sangkot sa droga.

“Walang special treatment ito. I-special treatment mo eh mas malaki pa kasalanan niya sa bansa dahil pinili sya na magiging mayor tapos ngayon sya pala drug lord sa lugar nila? Mas malaki kasalanan nya di ba? So ordinary criminal treatment namin sayo. Kaya pwedeng dahan-dahan ka na lumayas,” ayon pa kay dela Rosa.

Sinabi pa ni dela Rosa na magpapatupad siya ng pagbalasa sa buong PNP.

“If they were really performing well, why is the drug situation in our country still the same?” ayon pa kay dela Rosa.

Aniya, siya mismo ang pamimili ng mga bagong regional director.

“Dahil nga lumala itong problema natin sa droga dahil marami sa commanders natin takot bumangga. Sabi nila nakapatong dyan si mayor, nakapatong si governor, si congressman. Takot silang bumangga eh. Ilalagay ko ‘yung siguraduhin kong babangga talaga. Hindi natatakot,” sabi pa ni dela Rosa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending