Promise ni Baron Geisler: Hindi na po talaga ako iinom at magyoyosi! | Bandera

Promise ni Baron Geisler: Hindi na po talaga ako iinom at magyoyosi!

Ervin Santiago - June 15, 2016 - 12:25 AM

baron geisler at kiko matos

NANGAKO ang kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler na titigil na siya sa paglaklak ng alak at pagyoyosi pagkatapos ng bakbakan nila ni Kiko Matos.

Ayon kay Baron, desidido na siyang magpaka-healthy ngayong taon kaya after ng Universal Reality Combat Championship (URCC) exhibition fight nila ni Kiko sa June 25. “After this fight, I will not smoke and I will not drink. And that’s a challenge not kay Kiko Matos, pero sa sarili ko po because health is wealth,” ani Baron sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.

Dagdag pa ng aktor, kakaririn niya ang sagupaan nila ni Kiko para isulong ang pagpapalaya sa mga Filipino political prisoners tulad ni Maricon Montajes, isang film student mula sa UP na nakakulong ngayon sa Batangas.

“Everything I do is for a cause. It’s not all about me. It’s not about you. It’s about Him (Diyos) and these other people na naagrabyado,” chika pa ni Baron. Kinumpirma rin ng Kapamilya actor na pumirma na sila ni Kiko ng kontrata sa URCC noong Lunes kaya wala na raw atrasan ang kanilang paghaharap.

“Please support URCC. Watch the fight. There will be blood. This is not fake. How I wish this is a social experiment. But I’m going to be totally there,” aniya pa. Sinabi rin ni Baron na hindi talaga sila close ni Kiko kaya nag-research siya tungkol sa indie actor, “Ang galing pala niyang artista. Ang dami pala niyang ginawang independent films. So du’n ako nagkaroon ng respect.”

Pero agad na kinlaro ng aktor, kahit na nalaman niyang magaling na artista ang kanyang nakaaway sa bar hindi siya uurong sa labanan. Game na game na talaga siya sa naka-schedule na exhibition bout. “Nandu’n pa rin ako sa sige let’s settle our differences, if you want to fight me. I’ve been visualizing my fights every night.”

Nang tanungin kung ano ang gusto niyang sabihin sa mga taong nagmamalasakit at tumutuligsa sa kanya, “I’m not your typical actor, not your typical celebrity. I’m just human, I have feelings. And punong-puno ako ng pag-ibig. Marami akong minamahal sa buhay.”

Panghuli, sinabi ng binata na ang lagi niyang ipinagdarasal ay ang kanyang ina na sumasailalim sa dialysis dalawang beses sa isang linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending