Fil-Am runner binura ang PH record | Bandera

Fil-Am runner binura ang PH record

Angelito Oredo - June 14, 2016 - 01:00 AM

BINURA ng Fil-Am na si Jessica Barnard ang 29-taong Philippine athletics record sa 800m run sa paglahok nito sa Portland Track Festival sa Oregon, USA nitong Hunyo 11 at 12.

Tinabunan ni Barnard sa kanyang itinalang oras na 2:06.75 minuto ang matagal na national record ng dating 20-anyos noon na Gintong Alay athlete Nenita Dungca-Tacuyan na 2:07.01 minuto na naitala noong Disyembre 10, 1983 sa Bangkok, Thailand Southeast Asian Games.

Ang 26-anyos na si Barnard, na nagselebra ng kanyang kaarawan noong Hunyo 10, ay isa sa sinusuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang priority athlete at inihahanda para sa mga internasyonal na torneo.

Lumipat si Barnard mula sa paglahok sa California tungo sa Portland upang mas mapabilis ang kanyang oras sa paglahok sa mas matitinding kalaban. Huli itong nagwagi sa Philippine National Games na ginanap sa Lingayen, Pangasinan sa oras na 2:11.20   para sa ginto sa Team Air Force.

Si Barnard ay nagawang magwagi ng tansong medalya sa 2013 SEA Games at sa steeplechase noong 2015 kung saan siya rin ang may hawak ng national record.

Ang ina ni Barnard ay mula Digos City, Davao del Sur.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending